Nasagasaan ng backhoe, patay!

Agad na namatay ang 30-anyos na construction worker na si Bernie Calile ng aksidenteng nalaglag at nasagasaan pa ng isang malaking backhoe na sinasakyan kasama ang operator nitong si Nicael Gontenas, 38-anyos, sa isang bahagi ng highway sa Barangay Macaguiling sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Biyernes ng hapon, May 10, 2024.Sa ulat ni Lt. Col. Esmael Madin, hepe ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, Ang nasawing si Calile at ang backhoe operator na si Gontenas, parehong mga taga General Santos City, ay mga manggagawa ng Vicente Lao Construction na may mga proyekto sa mga bayan ng Maguindanao del Norte na sakop ng Bangsamoro region. (May 10, 2024)