Pulis tinakot ng pistol misis, nabaril sarili patay

Patay ang isang kasapi ng Dinas Municipal Police Station sa Dinas, Zamboanga del Sur ng aksidenteng mabaril ang sarili ng kanyang service pistol na ginamit niyang panakot sa kanyang misis sa kalagitnaan ng kanilang away nitong Martes, May 28, 2024.Sa mga hiwalay na ulat nitong Huwebes ng mga kawani ng Dinas Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at ng mga opisyal ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office, galing sa isang lamay ng isang patay na kaibigan si June Alpad bago naganap ang insidente.Naiulat ng mga himpilan ng radyo sa Zamboanga del Sur, batay sa salaysay ng mga mga kamag-anak at mga kapitbahay, na lasing si Alpad ng dumating sa kanilang tahanan sa Barangay Nangka sa Dinas kaya sila nag-away ng kanyang misis.Ayon sa mga barangay officials, unang tinutukan ni Alpad ng kanyang service pistol ang kabiyak at pinaikot-ikot niya ito sa kanyang daliri kaya naidiin ang trigger, pumutok ng nakatutok sa kanyang mukha na nagsanhi sa kanyang agarang kamatayan. (May 30, 2024)