Magkapatid nakunin ng P3.4-M halaga ng shabu

Magkapatid nakunan ng P3.4-M halaga ng shabuKulong agad ang dalawang magkapatid matapos magbenta ng P3.4 million na halaga ng shabu sa mga hindi unipormadong mga pulis sa isang entrapment operation sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Sabado.Sa ulat nitong Lunes ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nasa kustodiya na ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station ang 34-anyos na si Monzor Talusan at kanyang 19-anyos na kapatid na si Wuji, mga residente ng Barangay Tambak sa hindi kalayuang bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.Agad na inaresto ang dalawa ng hindi mga unipormadong mga operatiba ng Datu Odin Sinsuat MPS, pinamumunuan ni Police Lt. Col. Sahibon Mamantal, matapos magbenta sa kanila ng 500 gramo ng shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Poblacion ng naturang bayan.Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ng mga kasapi ng Datu Odin MPS at mga intelligence agents ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office sa kung sino-sino ang mga kasabwat ng magkapatid na Talusan sa kanilang pagbebenta ng shabu sa naturang bayan at sa mga kalapit na mga barangay sa Sultan Kudarat at Cotabato City. (May 27, 2024)