Nagnakaw ng manok, tepok sa mga pulis

Isang magnanakaw ng manok ang napatay ng mga pulis sa Barangay Wangan sa Calinan District sa Davao City nitong Sabado, March 23, 2024.

Sa ulat ng Davao City Police Office, napilitang makipagpalitan ng putok ang mga pulis na nag-responde sa naturang insidente ng bumunot ng baril ang suspect na kanilang hinahabol batay sa sumbong ng mga residente na nakapansin ng ginawang pagnakaw nito ng mga manok na pansabong sa isang lugar sa Barangay Wangan.

Marami ng ninakawan ng mga manok sa naturang barangay bago pa man napatay ng mga pulis ang isang suspect na maagap na nadiskubre ng mga residente ang ginawang krimen nitong madaling araw ng Sabado. (March 25, 2024, handout photo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *