Trese na sakay ng pampasaherong van ang nasunog ng buhay ng mabangga ang kanilang sasakyan ng isang dump truck, gumulong ng ilang beses at lumiyab sa kakaibang aksidente sa Barangay Luhong sa Antipas nitong Lunes, March 25, 2024. Sa inisyal na ulat nitong Lunes ng hapon, kinumpirma ni Cotabato provincial police director Col. Gilbert Balneg Tuzon ang pagkasawi ng limang pasahero ng van na nasangkot sa aksidente. Gumulong din ang dumptruck at nahiga ng patagilid sa lakas ng pagkakabangga nito sa passenger van at nagliyab, ayon sa mga imbestigador ng Antipas Municipal Police Station at mga kawani ng Antipas Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na nag-responde sa insidente. Ayon kay Tuzon, inaalam pa ng mga taga local government unit ng Antipas at ng mga imbestigador ng Antipas MPS ang mga pangalan ng lahat ng pasahero ng van na nasunog ng buhay sanhi ng aksidente. Lima pa lang sa kanila ang nakilala sa kanila, sina Nonoy Bunda, Ryse Vince Lopez, Coco Pojas, Kimberly Shane Armada at Jenivive Vincente, ayon kay Tuzon. (March 25, 2024)
UPDATE: 13 pasahero ng van, tupok sa highway accident

