5 pasahero ng van, tupok sa highway accident

Limang sakay ng pampasaherong van ang nasunog ng buhay ng mabangga ang kanilang sasakyan ng isang dump truck, gumulong ng ilang beses at lumiyad sa kakaibang aksidente sa Barangay Luhong sa Antipas nitong Lunes, March 25, 2024.

Sa inisyal na ulat nitong Lunes ng hapon, kinumpirma ni Cotabato provincial police director Col. Gilbert Balneg Tuzon ang pagkasawi ng limang pasahero ng van na sangkot sa aksidente.

Gumulong din ang dumptruck at nahiga ng patagilid sa lakas ng pagkakabangga nito sa passenger van, ayon sa mga imbestigador ng Antipas Municipal Police Station at mga kawani ng Antipas Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na nag-responde sa insidente.

Ayon kay Tuzon, inaalam pa ng mga taga local government unit at ng mga imbestigador ng Antipas MPS ang mga pangalan ng limang pasahero ng van na nasunog ng buhay sanhi ng aksidente.

Iniimbestigahan din ng pulisya kung sino ang may sala sa naturang kakaibang aksidente. (March 25, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *