Mga wanted sa panggagahasa sa Zamboanga City, arestado

Arestado ang dalawang wanted sa maraming mga kaso ng panggagahasa sa hiwalay na operasyon ng Zamboanga City Police Office nitong Miyerkules, May 15, 2024.Unang na-aresto sa Barangay Zone 1 sa Zamboanga City si Joel Adion Erasga, may siyam na kasong rape sa isang korte sa naturang lungsod, may warrant of arrest para sa kanya na pirmado ni Judge Ivy Damayo Elviña, may petsang May 13, 2024.Walang piyansang nirekomenda ang Family Court Branch 7 sa Zamboanga City para sa kanyang pansamantalang paglaya. Sunod na na-aresto nito ring Miyerkules si Rexy Gonzales sa Barangay Boalan sa Zamboanga City sa mga kasong panggagahasa.Hindi na pumalag si Gonzalez ng pakitaan ng warrant of arrest ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Office mula sa Regional Trial Court Branch 15 sa naturang lungsod, may lagda ni Judge Peter Eisma, may petsang May 13, 2024 at wala ding piyansang itinakda para sa kanyang pansamantalang paglaya. (May 16, 2024)