Babaeng fiscal patay sa ambush sa Digos City

Napatay ang assistant provincial prosecutor ng Davao Occidental sa isang ambush sa mataong lugar sa Barangay Aplaya sa Digos City pasado 5:00 p.m. nitong Lunes, June 10, 2024.

Sa inisyal na pahayag ni Lt. Col. Florante Retes, hepe ng Digos City Police Station, namatay sa loob mismo ng kanyang puting Ford Raptor pick-up truck ang 54-anyos na fiscal na si Eleanor Polancos Dela Peรฑa, na naka-destino sa bayan ng Malita sa Davao Occidental.

Minamaneho ni Dela Peรฑa ang kanyang sasakyan pauwi sa kanyang tahanan sa Tienda, Barangay Aplaya, isang residential area sa Digos City, ng paputukan ng ilang beses ng isang lalaking nakaabang sa kanya at mabilis na tumakas gamit ang motorsiklong Honda Click.

Inaalam pa ng mga imbestigador ng Digos City police force at mga intelligence agents ng ibat-ibang unit ng Police Regional Office 11 kung sino ang salarin at kung ano ang motibo nito sa pagpatay kay Dela Peรฑa.

Ang tanggapan ng napaslang na si Dela Peรฑa bayan sa bayan ng Malita sa Davao Occidental ay hindi kalayuan sa Digos City na siyang kabisera ng probinsya ng Davao del Sur. (JUNE 11, 2024, JFU

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *