Magkasunod na nagpakamatay, dahil sa problema sa kanilang relasyon, ang dalawang magkasintahan mga etnikong Teduray nitong Linggo, February 18, 2024, sa isang liblib na barangay sa South Upi, Maguindanao del Sur.Sa mga inisyal na ulat South Upi Municipal Police Station, unang nagpakamatay bandang tanghali ng Linggo si Mae sa Sitio Lambangian sa Barangay Kuya umaga ng Linggo. Hiniling ng mga kamag-anak nito na huwag ng ibunyag sa mga news reports ang kanyang buong pangalan.Makalipas ang limang oras, nagbigti din ang kasintahan na si Rodel sa isang lugar sa naturang barangay. Si Rodel ay residente ng Barangay Santa Maria sa Kalamansig, Sultan Kudarat, kung saan siya nakatakdang ilibing ng mga kamag-anak.Hindi naman nilinaw ng lokal na pulisya sa South Upi kung paano nagpakamatay ang dalawa at kung ano ang dahilan ng kanilang pagkitil sa kanilang mga buhay.May mga usap-usapang kumakalat sa South Upi na tutol diumano ang mga kamag-anak ni babae sa balak nilang magpakasal ng kanyang kasintahan. (February 19, 2024)
Magkasintahan magkahiwalay na winakasan kanilang mga buhay

