P6.8-M shabu nakumpiska sa Lanao Sur

Nakumpiska ng mga anti-narcotics agents ang abot sa P6.8 million na halaga ng shabu sa dalawang mga dealers na na na-entrap sa Barangay Pindolonan sa Bubong, Lanao del Sur nitong hapon ng Miyerkules, February 21, 2024. Sa ulat nitong Huwebes ni Gil Cesario Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, kusang loob na nagpa-aresto sina Jamel Dimaporo, 29-anyos, at ang kanyang 19-anyos na kasabwat na si Jalil Macaayong, ng malaman nilang mga PDEA-BARMM agents pala ang kanilang pinag bentahan ng isang kilong shabu sa isang liblib na lugar sa Barangay Pindolonan. Naisagawa ng entrapment operation na nag-resulta sa pagkakaaresto kina Dimaporo at Macaayong, parehong mga Maranaw, sa tulong ng Lanao del Sur Provincial Police Office at mga impormanteng alam ang kanilang malakihang pagbebenta ng shabu sa Bubong at mga karatig na bayan sa Lanao del Sur. Ang dalawa ay na-entrap kasunod ng pagkaaresto nito lang February 6 sa isa pang Maranaw na dealer din ng shabu, si Lawa Abedin, sa isang PDEA-BARMM operation sa Barangay Bugaran sa Piagapo sa probinsya din ng Lanao del Sur, kung saan nasamsam mula sa kanya ang P6.8 million na halaga ng shabu. Nasampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Abedin, naghihintay na lang ng paglilitis sa korte, ayon kay Castro. (February 22, 2024)