Menor-de-edad na ina, sanggol, patay sa sunoh Jamindang Dumiande and

Patay ang isang menor-de-edad na ina at bagong silang niyang sanggol na natupok kasabay ng pagkasunog ng kanilang dampa sa Barangay Sicayab sa Dipolog City nitong madaling araw nitong Linggo. Sa hiwalay na ulat nitong Lunes ng Dipolog City Police Office at ng mga opisyal ng Bureau of Fire Protection na naka-base sa lungsod, sunog na sunog ang mga katawan ng 16-anyos na si Lyza Jamindang Dumiande at ang kanyang sanggol na anim na araw pa lang mula ng isinilang ng maganap ang insidente. Mangingisda ang live-in partner ni Dumiande, si Bernabe Cadano, 20-anyos, na nasa dagat ng maganap ang sunog. Yari lang sa semi-permanent materials tirahan ng mga biktima sa isang mataas na lugar sa Purok Tipo sa Barangay Sicayab, isang liblib na pook sa Dapitan City. Magkatuwang na inaalam pa ng mga barangay officials, ng mga imbestigador ng BFP at ng lokal na pulisya kung ano ang dahilan ng sunog na tumupok sa tahanan ng mga biktima at nagsanhi sa kanilang kamatayan. — MARCH 4, 2024, HANDOUT PHOTO