Patay sa ambush ang isang mataas na kawani ng Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa panibagong kaso ng pamamaril dito sa lungsod nitong gabi ng Biyernes, March 1, 2024.Agad na nasawi sa mga tama ng bala ang 42-anyos na biktima, si Jose Raymond Marquez, mas kilala sa kanyang palayaw na Choco, ng tambangan ng hindi pa mga kilalang salarin sa isang mataong bahagi ng Sinsuat Avenue sa Cotabato City, sa tapat mismo ng isang gasoline station na hindi kalayuan sa kanilang tirahan.Si Marquez, na nagmumula sa mga kilalang mga naunang mga angkan ng mga Katoliko sa Cotabato City, ang mga Ante at Marquez, ang siyang chief of operations ng CDRRMO ng lungsod. Siya ay apo ng namayapa ng pari na si Jose Ante ng Oblates of Mary Immaculate congregation na naging presidente ng Notre Dame University sa Cotabato City, ang pinakamalaking unibersidad na Katoliko sa buong Central Mindanao. Wala pang linaw sa mga imbestigador ng Cotabato City Police Office kung sino ang mga pumatay kay Marquez at kung ang ano ang kanilang motibo sa pagsagawa ng naturang krimen. (March 1, 2024)
Opisyal ng Cotabato City disaster response officer pinatay

