ALAMIN: Mga duling inopera ng libre, hindi na duling

Abot sa 36 na mga mahihirap na mga pasyenteng Muslim, mga Christian at mga indigenous people na may mga problema sa mata, ilan sa kanila “duling” ang inoperahan ng libre ng eye specialist na kasapi ng Bangsamoro parliament sa panibagong mga serye ng outreach missions na nagtapos nitong Miyerkules, March 29, 2024.Ang naturang humanitarian mission ay isinagawa ni Bangsamoro Parliament Member Kadil Monera Sinolinding, Jr., nagpakabihasa sa pagka ophthalmologist sa India, at ng mga kawani ng Deseret Ambulatory Referral Center sa bayan ng Kabacan sa Cotabato province.Abot na sa 2,983 ang mga mahihirap na residente ng Bangsamoro region at ng 63 na Bangsamoro barangays sa probinsya ng Cotabato sa Region 12 na may problema sa mata at paningin ang nagamot ng libre ng humanitarian team nila Sinolinding mula noong siya ay itinalagang kasapi ng regional parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ni President Ferdinand Marcos noong 2022. Si Chief Minister Ahod Ebrahim ng Bangsamoro Autonomous Region ay sumusuporta sa eye care programs ni Sinolinding para sa mga mahihirap.Isa sa mga pasyenteng duling na inayos ni Sinolinding ang mata sa pamamagitan ng operasyon nito lang Miyerkules ay ang mahirap na magsasakang si Bernie Garde, 49-anyos, na taga President Roxas, isang liblib na bayan sa Cotabato. Hindi na duling si Garde bilang resulta ng operasyong ginawa ni Sinolinding. (March 30, 2024)