P21 million halaga ng imported na sigarilyo nasamsam sa Sarangan

iNasamsam ng mga pulis ang abot sa P21 million na halaga ng sigarilyong mula sa Indonesia sa isang anti-smuggling operation sa Glan, Sarangani nitong Sabado, March 30, 2024,Kinumpirma ni Region 12 police director Brig. Gen. Percival Augustus Placer nitong Lunes ang pagkakasabat ng naturang kontrabando sa Tampat Point sa Batulaki sa bayan ng Glan, lulan ng isang sasakyang pandagat mula sa Tongkil Island sa probinsya ng Sulu sa Bangsamoro region.Kinumpiska din ng mga operatiba ng ibat-ibang unit ng PRO-12 na nagsagawa ng naturang anti-smuggling operation ang lantsang pinagkargahan ng 1,075 na mga kahon ng sigarilyong gawa sa Indonesia.Ayon kay Placer, maagap na nasabat ang naturang mga imported na sigarilyo, ihahatid sana sa mga buyers sa ibat-ibang bayan sa Sarangani, dahil sa mga ulat ng local executives sa probinsya.Nakatakda ng ipa-kustodiya ng PRO-12 ang naturang mga imported na sigarilyo sa Bureau of Customs, ayon kay Placer. (APRIL 1, 2024)