Nakumpiska ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency-12 ang 51 na refill cartridges ng vape na may marijuana oil sa tatlong dealers nito na na-entrap sa Barangay Apopong sa General Santos City nitong hapon ng Huwebes, April 11, 2024.Sa ulat nitong Biyernes ng umaga ni Aileen Lovitos, director ng PDEA-12, hindi na pumalag pa sina Juanito Vollodres Cuevas II, Leigh Cabalaran de Leon at Cris Jay Lado Andolana ng arestuhin matapos mag benta sa kanilang mga agents ng P178,500 na halaga ng mga illegal na vape catridges sa isang entrapment operation sa Purok Maunlad sa Barangay Apopong.Magkatuwang na ikinasa ng PDEA-12 at ng mga units ng Police Regional Office-12 ang naturang entrapment operation matapos makatanggap ng ulat hinggil sa pagbebenta ng mga imported na vape refill cartridges na may marijuana oil ang tatlong suspects sa halagang P3,500 ang bawat isa.Inaalam na ng mga agents ng PDEA-12 at mga opisyal ng PRO-12 na sakop ni regional police director Brig. Gen. Augustus Placer kung sino pa ang mga kasabwat nila Cuevas, De Leon at Andolana sa kanilang pagpapakalat ng kanilang illegal na epektos sa General Santos City at mga bayan sa probinsya ng South Cotabato at Sarangani. (April 12, 2024)
Vape refill may marijuana oil, nasamsam

