Nanggahasa ng mga batang babae, arestado

Na aresto ang isang wanted sa panggagahasa ng ilang mga kabataang babae, isa sa kanila limang taong gulang niyang pamangkin, sa isang police operation sa Kidapawan City sa probinsya ng Cotabato nitong Miyerkules.Sa mga hiwalay na ulat nitong Huwebes ng mga opisyal ng Kidapawan City local government unit at ni Cotabato provincial police director Gilbert Balneg Tuzon, walang piyansang nirekomenda ang mga korteng naglabas ng mga warrant of arrest para kay Rogie Awag na ngayon ay nakakulong na.Ibat-ibang kasong rape ang kinakaharap ni Awag sa mga korte sa Central Mindanao, kabilang na dito ang kanyang diumano pag-molestiya sa limang taong batang babae na anak ng kapatid ng kanyang misis.Natunton si Awag ng mga magkasanib na mga operatiba ng Kidapawan City Police Office at ng Cotabato Provincial Police Office sa isang liblib na barangay sa Kidapawan City sa tulong ng mga kakilalang alam ang kanyang pinagtataguan sa naturang lugar.Hindi na pumalag si Awag ng malamang may dalang mga warrant of arrest ang mga pulis na nakatunton sa kanya, isa rito ang kaugnay ng kanyang panggagahasa ng limang taong gulang na pamangkin, may petsang November 10, 2023 at nilagdaan ni Judge Jose Tanalgo Tabusares ng Regional Trial Court Branch 23 sa Kidapawan City. (April 11, 2024)