Isang magsasaka ang nakunan ng P18,000 na halaga ng shabu at isang granada sa isinagawang search operation ng mga pulis sa Barangay Bual sa bayan ng Tulunan sa probinsya ng Cotabato nitong Biyernes, April 19, 2024.Sa ulat ni Captain April Rose Soria, hepe ng Tulunan Municipal Police Station, hindi na pumalag pa ang suspect ng matagpuan ang shabu at granada sa kanyang tahanan sa Purok 4 sa Barangay Bual ng kanilang mga operatiba na nagsagawa ng naturang search operation, batay sa mga ulat ng mga kakilala tungkol sa kanyang mga illegal na mga gawain.Nakakulong na ang suspect at nahaharap na sa mga hiwalay na mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at ng Republic Act 9516 na nagbabawal ng pagbebenta o pag-iingat ng mga baril, mga bala at pampasabog ng walang pahintulot mula sa national headquarters ng Philippine National Police. (April 20, 2024)
Shabu, granada, nakumpiska sa magsasaka

