
Nasamsam ng mga pulis ang abot sa P1 million na halaga ng shabu sa dalawang mga dealers na nalambat kamakalawa sa Marawi City sa Lanao del Sur sa isang entrapment operation na naisagawa sa tulong ng kanilang mga kamag-anak mismo.
Sa ulat nitong Miyerkules ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nasa kustodiya na nila ang dalawang suspects, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Agad na inaresto ng mga hindi unipormadong mga kasapi ng Marawi City Police Office at ng Lanao del Sur Provincial Police Office ang dalawang suspects matapos nilang mabilhan ng P1 million na halaga ng shabu sa isang lugar sa Barangay Marawi Poblacion.
Ayon kay Tanggawohn, mismong mga malapit na mga kamag-anak ng mga suspects nag nasuplong sa mga pulis ng kanilang malakihang pagbebenta ng shabu sa Marawi City kaya naikasa ang naturang matagumpay na entrapment operation. (September 11, 2024)