Taga Cotabato City na wanted sa rape, naaresto sa malayo

Nasa kustodiya na ng Cotabato City Police Precinct 2 ang isang wanted sa kasong rape na si Michael Angelo Cutin, naaresto sa isang law-enforcement operation ng mga pulis sa bayan ng Libungan sa Cotabato, mga 30 kilometro ang layo sa Cotabato City.

Ayon sa mga opisyal ng Cotabato City Police Office, natunton si Cutin si Purok 1 sa Barangay Montay ng kanilang mga operatiba sa Purok 1, Barangay Montay sa Libungan sa tulong ng mga impormanteng alam na nasampahan siya ng kasong panggagahasa sa Regional Trial Court Branch 14 sa Cotabato City.

Hindi na pumalag pa si Cutin ng dumating sa kanyang kinaroroonan sa Barangay Montay at pakitaan ng warrant of arrest mula sa naturang korte, may petsang December 4, 2024.

Ayon sa mga kakilala, si Cutin ay agad na nagtago sa Libungan ng malaman na naglabas na ng warrant of arrest para sa kanya ang korte kaugnay ng kasong rape ng naisampa ng pulisya laban sa kanya. Naganap ang naturang krimen sa isa sa mga barangay na sakop ng Cotabato City Police Precint 2, ayon sa mga pulis na nakatalaga sa naturang presinto. (Jan.18, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *