72 seniors nagka-eye glasses sa tulong ng MSSD-BARMM

Abot sa 72 na mga senior citizens ang nakatanggap ng libreng reading glasses bilang mga benepisyaryo ng Sagip Paningin Para Kay Lolo at Lola Program ng Bangsamoro social services ministry.

Sa pahayag nitong Sabado ng mga opisyal ng Ministry of Social Services and Development-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ang mga senior citizens na nabigyan ng mga reading glasses nitong nakalipas na linggo ay mga residente ng Cotabato City, kabisera ng Autonomous Region.

Ang naturang proyekto ay magkatuwang na isinagawa ng BARMM government at ng Glang Eye Care Clinic sa Cotabato City, ayon kay MSSD-BARMM Minister Raissa Jajurie.

Ayon kay Jajurie, ang kanilang Sagip Paningin Para Kay Lolo at Lola Program ay kaugnay ng Older Persons and Persons with Disabilities Welfare Program ng MSSD-BARMM.

Palalawigin pa ng MSSD-BARMM ang naturang programa sa buong autonomous region. (Jan.18, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *