
Nasamsam ng mga tropa ng 33rd Infantry Battalion ang dalawang 5.56 millimeter M653 assault rifles at isang .45 caliber pistol, natagpuan sa kanilang pagresponde sa isang insidente ng pamamaril sa Barangay Nabundas sa Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur nitong gabi ng Lunes, September 9, 2024.
Naniniwala ang barangay officials at mga opisyal ng 33rd IB, sakop ng 6th Infantry Division, na posibleng pag-aari ng mga sangkot sa naturang insidente ang mga mga baril na natagpuan ng mga sundalo sa isang lugar sa Barangay Nabundas.
Kinumpirma ni Major Gen. Antonio Nafarrete, commander ng 6th ID na nasa kustodiya na ng 33rd IB, pinamumunuan ni Lt. Col. Udgie Villan, ang naturang mga baril. (September 11, 2024)