Mining company pinarangalan ng DepEd-12

Tumanggap ng citation plaque ang Sagittarius Mines Incorporated (SMI) mula sa Department of Education-12 nitong Biyernes bilang pagkilala sa mga programa nitong nakakatulong sa pag-aaral sa kolehiyo ng mga estudyanteng mula sa mahirap na mga pamilya sa Central Mindanao.

Isinagawa sa Koronadal City ang paggawad ng parangal sa SMI at iba pang mga grupo at organisasyong tumutulong sa mga education thrusts ng DepEd-12, kaugnay ng taunang Pugay Pasasalamat program ng ahensya.

Ayon kay Ismael Ngingit, Jr., focal person for programs partnership cooperation ng DepEd-12, kinikilala ng mga education officials sa rehiyon ang pagsisikap ng SMI na makapagpaaral ng mga estudyante bilang bahagi ng scholarship program nito.

Ang citation plaque para sa SMI na mula sa DepEd-12 ay tinanggap sa naturang okasyon ng dalawang mga opisyal ng kumpanya, sina Corporate Communications Superintendent Joseph Palanca at ni supervisor Abner Mendoza, Jr.

Ayon sa mga education officials sa Region 12 at kay Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza na chairperson ng Regional Development Council 12, at mga local executives sa probinsya ng South Cotabato, kasalukuyang nagpapaaral ang SMI ng 1,354 na mga college students sa ibat-ibang paaralan sa Central Mindanao.

Ito ay sa kabila ng hindi pa nakapag-simula ang SMI ng operasyon ng Tampakan Copper-Gold Project sa Tampakan, South Cotabato batay sa pahintulot ng national government na may mga hiwalay na written consent din ng mga Blaan tribal leaders sa naturang bayan at ng National Commission on Indigenous People.

Ayon sa mga local executives ng Tampakan, ng Malungon sa Sarangani, ng Columbio sa Sultan Kudarat at ng Kiblawan sa Davao del Sur na sakop ng Tampakan-Copper Gold Project ng SMI at ng national government, mahigit 800 na na mga SMI scholars ang nakatapos ng kolehiyo nitong nakalipas na pitong taon. (Dec.24, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *