
Isang real estate broker ang natagpuang patay nitong Linggo, may mga tama ng bala, sa loob ng isang pick-up truck na noon ay tatlong araw ng nakaparada sa Barangay San Jose sa Pagadian City.
Sa ulat ng Pagadian City Police Office nitong Lunes, nagsisimula ng maagnas ang bangkay ni Michael Obsiana ng mailabas ng mga pulis at mga emergency responders sa naturang sasakyan.
Nasa passenger side ng front seat ng sasakyan nakaupo si Obsiana at nawawala ang driver nito na inaalam pa ng mga imbestigador kung sino.
Nangako ng kooperasyon sa mga imbestigador ang pamilya ni Obsiana na nais ng makilala agad ang pumaslang sa kanya upang masampahan ng kaukulang kaso. (Dec. 23, 2024)