Mag-asawa, sabay nagpakamatay

Dahil diumano sa matinding mga problema, sabay na nagpakamatay ang isang mister na purok president at kanyang misis na isang barangay treasurer sa Cabasagan sa Lala, Lanao del Norte nitong Biyernes, November 29, 2024.

Tatlo ang naiwang mga anak ng mag-asawang nagpakamatay, ayon sa mga inisyal na ulat ng mga himpilan ng radyo sa Lanao del Norte nitong hapon ng Biyernes.

Pansamantalang hindi muna kinilala ng local officials ang mag-asawa para sa kapakanan ng kanilang mga naulilang mga anak,

Inaantabayanan pa ang ulat ng Lala Municipal Police Station hinggil sa insidente. (November 29, 2024, handout Facebook image, Mike Navarro)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *