Wala nang NPA sa Kibawe

Isa pang bayan sa Bukidnon sa Region 10 ang nadeklarang wala ng presensya ng New People’s Army ng ibat-ibang sektor, ng militar at pulisya sa probinsya nitong Miyerkules, November 27, 2024.

Sa pahayag nitong Biyernes ni Army Major Gen. Allan Hambala, commander ng 10th Infantry Division, naging insurgency-free na ang bayan ng Kibawe sa Bukidnon sa pagtutulungan ng mga datu ng mga indigenous na tribo, ng mga kasapi ng Municipal Peace and Order Council, ng mga unit ng Police Regional Office-10 at ng 10th ID na nakakalat sa ibat-ibang bayan sa naturang probinsya.

Pormal na nadeklarang insurgency-free na ang Kibawe sa isang pagtitipon ng mga leaders ng ibat-ibang sektor sa naturang bayan, mga opisyal ng mga unit ng 10th ID, ng lokal na pulisya at mga representatibo ng local tribal council at mga municipal police officials sa isang function facility nitong Miyerkules.

Lumagda ang mga sectoral leaders na dumalo sa naturang okasyon sa isang manifesto na nagsasaad na patuloy silang magtutulungan sa pagpapatupad ng mga multi-sector peace-building programs na naglalayong mapanatiling wala ng presensya ng NPA sa lahat ng mga barangay sa Kibawe.

Una ng sunod-sunod na nadeklarang insurgency-free ang mga bayan ng San Fernando, Kadingilan, Damulog at Dangcagan sa Bukidnon nito lang nakalipas na ilang buwan. (Nov. 29, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *