P3.4-M halaga ng shabu nasamsam sa Cotabato City

Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang abot sa P3.4 million na halaga ng shabu sa dalawang dealers na nalambat sa Cotabato City nitong hapon ng Miyerkules, January 8, 2025.

Kinumpirma nitong Huwebes ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, na nasa kustodiya na nila ang dalawang suspects, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Agad na inaresto ang dalawa matapos magbenta ng kalahating kilong shabu, nagkakahalaga ng P3.4 million, sa mga magkasanib na mga operatiba ng PDEA-BARMM at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region sa Barangay Poblacion 5 sa Cotabato City.

Ayon kay Castro naikasa ang naturang matagumpay na entrapment operation sa tulong ng mga opisyal ng Cotabato City Police Office at ng 5th Marine Battalion ng Philippine Navy na tumutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan sa 37 na mga barangay sa lungsod. (January 9, 2025) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *