
Apat katao, kabilang ang isang barangay health worker at guro, ang napatay sa mga hiwalay na pananambang na na naganap sa loob lang ng isang oras sa magkatabing mga bayan ng Lebak at Kalamansig sa Sultan Kudarat nitong hapon ng Huwebes.
Sa mga hiwalay na ulat ng Sultan Kudarat Provincial Police Office at ng Police Regional Office-12 nitong Biyernes, unang napatay sa Barangay Santa Clara sa Kalamansig ng mga armadong kalalakihan ang magkaangkas sa motorsiklong sina Nestor Rondon ay kanyang kabiyak na Marilou.
Patungo sa kung saan si Rondon at ang kanyang maybahay na isang barangay health worker sa Sta. Clara ng pagbabarilin ng mga salarin na nakaabang sa kanila na nagresulta sa kanilang agarang kamatayan.
Mabilis na nakatakas ang mga pumatay sa mag-asawa, ayon sa mga barangay officials at mga imbestigador ng Kalamansig Municipal Police Station.
Makalipas ang ilang minuto, napatay ang isang guro, si Henry Racho, at ang kanyang pamangkin na si Erick James Racho Moyet, sa katulad din na insidente sa Sitio Maregaeg sa Barangay Salman sa Lebak.
Magkaangkas sa motorskilo si Racho, isang dean at nagtuturo din ng sports sa pribadong Notre Dame of Salaman College, isang Catholic school sa Lebak, at ang kanyang estudyanteng pamangkin ng papatutukan ng mga kalalakihan na agad ding nakatakas. (Jan.10, 2025)