Mga boy scouts sa Zamboanga del Norte, nakuryente

Ilang mga Boy Scouts ang aksidenteng nakuryente sa isang camping site sa Abong-Abong sa Zamboanga City nitong umaga ng Huwebes, December 12, 2024.

Sa inisyal na ulat mg mga barangay officials at ng pulisya, aksidenteng sumabit diumano ang binubuhat ng mga biktimang boy scouts na mga gamit para sa kanilang mga tents sa nakalaylay na kawad ng kuryente kaya sila nangisay.

Maagap naman silang natulungan ng mga kasamang Boy Scouts at at mga gurong scout masters at agad ding naisugod sa pagamutan ng mga emergency responders ng local government unit ng Zamboanga City. (December 12, 2024, handout photos) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *