3 boy scouts nakuryente patay, 11 pang iba nasaktan

Patay ang tatlong Boy Scouts habang 11 na iba pa ang naisugod sa hospital ng makuryente sa isang aksidenteng naganap sa kanilang jamboree site sa Abong Abong sa Zamboanga City nitong umaga ng Huwebes.

Ayon sa mga imbestigador ng Zamboanga City Police Office at mga opisyal ng Bureau of Fire Protection sa lungsod, ang mga biktima ay nakuryente ng tumama sa nakalaylay na power cable ng Zamboanga City Electric Cooperative ang kinakarga nilang tent na may mga metal materials na kanila sanang ililipat sa isang lugar sa kanilang camping area sa Abong Abong.

Kinumpirma nitong tanghali ng Huwebes ni Zamboanga City Mayor John Dalipe at ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9, ang pagkasawi sa naturang insidente ng mga scouts na sina Kevin Iquid, Geoffrey Atillano and Alvin Gaspar.

Ayon sa mga opisyal ng Department of Education-9 at mga kawani ng Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Office, 11 na mga estudyante na nakuryente ang naisugod ng mga emergency responders sa hospital, tatlo sa kanila malubha ang kalagayan.

Nangako ng sapat na ayuda ang mayor ng Zamboanga City para sa mga pamilya ng mga nasawi sa insidente at sa pagpapagamot ng iba pang mga biktima na maagap na nadala sa hospital ng barangay at city government emergency responders. (DECEMBER 12, 2024, HANDOUT PHOTO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *