
Nasukol nitong umaga ng Miyerkules, Sept. 4, 2024, ng mga Indonesian law-enforcement agents si ex-mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac sa Tangerang City sa Jakarta, Indonesia.
Sa pinaka-latest na ulat nitong miyerkules, hawak na ng Indonesian police si Guo at may koordinasyon ng ginagawa ang Indonesian at Philippine governments hinggil sa posibleng agarang pagpapabalik sa kanya sa bansa upang litisin sa mga kasong kinakaharap.