Cotabato province magkakaroon ng volcanic monitoring system

Nagalak ang mga local executives at residente ng Cotabato province sa nakatakdang pagtatag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, o Phivolcs, ng isang volcanic monitoring system sa Barangay Ilomavis sa Kidapawan City.

Ang Kidapawan City ang kabisera ng probinsya, kung saan nandoon din ang provincial government center at ang tanggapan ni Gov. Emmylou Taliño-Mendoza, na nagpahayag na ng kanyang ekstensibong suporta sa naturang inisyatibo ng Phivolcs.

Ang administrasyon ni Mendoza, na chairperson din ng maimpluwensyang inter-agency Regional Development Council 12, ay may mga malawak na disaster and calamity response programs. Ayon sa kanya, malaking bagay para sa Cotabato province ang planong pagtatag ng volcanic monitoring system ng Phivolcs sa Kidapawan City.

Ang itatatag ng Phivolcs na volcanic monitoring facility ay kailangan sa pagtiyak at pagtukoy kung tectonic, o volcanic ang anumang pagyanig ng lupa, o anumang paglindol sa probinsya, lalo na sa kapaligiran ng Mt. Apo, isang nakapataas na magubat na lugar na may volcano.

Dinalaw nitong Huwebes ng mga kawani ng Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division ng Phivolcs ang tanggapan ni Gov. Mendoza at kanilang ipinaliwanag ang kanilang plano kay Provincial Administrator Aurora Garcia at Provincial Advisory Council (PAC) Member Shirlyn Macasarte-Villanueva, na kinatawan ng gobernadora sa naturang dayalogo. (September 20, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *