LTMS program ng LTO central office, ipapatupad sa BARMM

Lumagda sa isang kasunduan nitong Huwebes, September 19, 2024, ang mga kinatawan ng Department of Transportation at ng Ministry of Transportation and Communications-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na ipatupad sa autonomous region ang Land Transportation Management System (LTMS) program ng Land Transportation Office bilang isang public service cooperation effort ng DOTr at ng MoTC-BARMM.

Ang LTMS ay isang programa ng central office ng Land Transportation Office at ang implementasyon nito sa Bangsamoro region, ayon sa mga BARMM regional officials at sa mga matataas na officials ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ay patunay na legal ang mga driver’s licenses at mga vehicle registration papers na naproseso ng Bangsamoro Land Transportation Office, taliwas sa paniniwala ng ilang mga sektor na duda sa pagka-lehitimo ng mga naturan.

Lumagda nitong Huwebes sa kasunduan hinggil sa pagpapatupad ng LTMS sa autonomous region, sa isang seremonyang ginanap sa central office mismo ng LTO sa Quezon City, sina Department of Transportation Secretary Jaime Bautista, si Assistant DOTr Secretary Vigor Mendoza, si MoTC-BARMM Minister Paisalin Pangandaman Tago, ang director-general ng naturang ministry na si Roslaine Macao-Maniri at si Engineer Razul Gayak na director ng Bangsamoro LTO.

Batay sa naturang kasunduan, magtutulungan ang LTO central office, ang tanggapan ni Minister Tago at ang Bangsamoro LTO sa expansion ng LTMS program sa BARMM upang mas mapabilis at maging mas malawak pa ang licensing, vehicle registration at law-enforcement activities nang Bangsamoro LTO.

Ayon kay Minister Tago, na kasapi din ng regional parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, malaking bagay para sa Bangsamoro LTO at, pangkalahatan, sa MoTC-BARMM ang expansion ng LTMS program ng LTO central office sa BLTO. (September 20, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *