
Patay ang 29-anyos na nanay na si Mary Joy Hepiga Suarez ng tambangan ng mga armado habang sakay ng kanyang motorsiklo sa isang bahagi ng Diversion Road sa Purok 7 sa Barangay 7 sa bayan ng Sulop sa Davao del Sir nitong umaga ng Miyerkules, September 18, 2024.
Sa ulat nitong Biyernes ng Sulop Municipal Police Station, kakahatid lang ni Suarez ng kanyang anak sa Sulop National High School at pauwi na sana ito sa kanilang tahanan ng tambangan ng mga armadong nakaabang sa kanya, na mabilis namang nakatakas.
Hindi naman tinangay ng mga pumatay kay Suarez ang kanyang motorsiklo. (September 20, 2024)