3 drug dealers nalambat sa Tawi-Tawi

Tatlong drug dealers, isa sa kanila babae, ang nakunan ng P68,000 na halaga ng shabu ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang entrapment operation sa Bongao, Tawi-Tawi nitong Miyerkules, Sept. 4, 2024.

Sa ulat nitong Biyernes ni Gil Cesario Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, nahaharap na sa kaukulang mga kaso ang naka-detine na na sina Albert Aliudjin Askalani, Nurainie Ilahan,at Benhar Sali Salip Rajid, na-entrap sa Barangay Sanga-Sanga sa Bongao.

Hindi na pumalag sina Askalano, Ilahan at Rajid ng arestuhin ng mga PDEA-BARMM agents matapos silang bentahan ng P68,000 na halaga ng shabu sa isang lugar sa Barangay Sanga-Sanga sa isang entrapment operation na inalalayan ng Bongao Municipal Police Station at ng Tawi-Tawi Provincial Police Office.

Ayon kay Castro, ang naturang matagumpay na entrapment operasyon ay naikasa batay sa ulat ng mga kakilala ng tatlong suspects hinggil sa kanilang pagbebenta ng shabu sa Bongao, na siyang kabisera ng Tawi-Tawi, isa sa anim na probinsyang sakop ng Bangsamoro region. (Sept. 6, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *