
Kumalat sa highway ang kargang mga fertilizers ng isang hauler truck na aksidenteng nabuwal, lumagpak ng patagilid sa Barangay Begang sa Isabela City, Basilan nitong Huwebes, September 5, 2024.
Sa inisyal ng ulat ng mga barangay officials at ng Isabela City Police Station, ihahatid sana ng naaksidenteng truck ang kargang abono sa Lamitan City, mahigit 20 kilometro ang layo sa Isabela City.
Wala namang naiulat na nasaktan, o nasawi sa insidente. (September 6, 2024, handout photo, R. Falcatan)