
Ang natanggal na sa pagka-mayor ng bayan ng Bamban sa Tarlac na hindi Filipino, ang Chinese na si Alice Guo, ay nasa kustodiya na ng pamahalaan ng Pilipinas, matapos ma-aresto kamakalawa sa Jakarta, Indonesia ng mga Indonesian law-enforcement agents.
Tiniyak nitong Biyernes, September 6, 2024, ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na walang special treatment para sa kanya at siya ay ikukulong sa seldang walang aircon at hindi rin siya makakagamit ng cellphone habang naka-detine.
Napatunayang maliban sa kanyang hindi pagiging Filipino citizen, sangkot din siya diumano sa ibat-ibang mga illegal na gawain habang mayor ng Bamban, isa sa mga bayan sa Tarlac province. (Sept. 6, 2024)