
Nakumpiska ng mga pulis ang P792,000 na halaga ng shabu sa apat na magkasabwat na mga dealers na na-entrap sa isang lugar sa Agdao sa Davao City nitong gabi ng Miyerkules, September 25, 2024.
Sa mga hiwalay na ulat ng Davao City Police Station at ng Police Regional Office-11 nitong Biyernes, nakalulong na ang apat na suspects, nalambat sa isang lugar sa Agdao ng magkasanib na mga operatiba ng Sta. Ana Police Station at mga anti-narcotics agents ng mga unit ng police force ng lungsod.
Agad na inaresto ang mga suspects matapos magbenta ng P792,000 na halaga ng shabu sa mga hindi unipormadong mga pulis na nagpanggap na mga sugapa sa illegal na droga.
Nahaharap na silang apat sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 gamit ang shabu na nakumpiska mula sa kanila bilang ebidensya. (Sept. 27, 2024)