
Nagulat ang mga residente ng isang liblib na pook sa Barangay Baclay sa Tukuran, Zamboanga del Sur ng nakatagpo ng mga buto ng tao na ikinalat ng mga asong gala, ang iba tinangay pa sa highway, nitong Miyerkules, September 25, 2024.
May paniwala ang mga barangay officials at mga imbestigador ng Tukuran Municipal Police na itinapon lang ang patay sa naturang lugar, posibleng pinatay sa kung saan, at doon na naagnas.
May mga indikasyon na lalaki ang naturang patay na ang mga kalansay ay natagpuang nagkalat na sa naturang lugar na maagap namang tinipon ng mga barangay officials upang mailigpit ng maayos. (September 27, 2024)