P1.4 million shabu nasamsam sa babaeng dealer

Nakumpiska ng mga anti-narcotics agents ang abot sa P1.4 million na halaga ng shabu sa isang 40-anyos na babaeng dealer na na-entrap sa Barangay Cabuan sa Guinsiliban, Camiguin nitong Miyerkules, September 18, 2024.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Sabado ng Philippine Drug Enforcement Agency 10 at the Police Regional Office-10, nakadetine na ang suspect na si Ruby Mapute Gerona, naharap na sa kasong paglabag sa Comprehesive Dangerous Drugs Act of 2002.

Agad na inaresto ng PDEA-10 agents si Gerona matapos siyang magbenta sa kanila ng 220 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P1.4 million sa isang entrapment operation sa kanyang tahanan mismo sa isang lugar sa Barangay Cabuan sa Guinsiliban.

Naiplano ng PDEA-10 ang naturang matagumpay na entrapment operation batay sa mga tip ng mga kakilala ni Gerona na alam ang kanyang malakihang pagbebenta ng shabu.

Ayon sa PDEA-10, suportada ng Guinsiliban Municipal Police Station at ng ibat-ibang unit ng PRO-10 ang operasyong nag resulta sa pagkaka-samsam ng P1.4 million na halaga ng shabu mula kay Gerona. (September 21, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *