May problema sa buhay, nagtagkang magpakamatay

Isang lalaking sinasabing may malaking problema sa buhay ang nagsanhi ng abala sa daloy ng mga sasakyan sa isang bahagi ng highway sa Bayugan 2 sa San Francisco sa probinsya ng Agusan del Sur ngayong umaga ng Sabado, September 21, 2024.

Humiga sa gitna ng highway ang lalaki dahil nais diumanong magpa-sagasa sa mga dumaraang mga sasakyan kaya naging magabal ang daloy ng trapiko sa kung saan ito gumawa ng eksenang kakaiba.

Nagtulungan ang mga barangay officials na maialis siya sa naturang lugar kaya napigil ang kanyang tangkang pagpapakamatay na para sa mga residente ng San Francisco ay talagang kakaiba.

Nanawagan ang ilang mga residente ng naturang bayan sa kanilang local government unit na ipasuri ito sa mga dalubhasa upang malaman kung may depekto ang kanyang pag-iisip. (September 21, 2024, handout photo) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *