![](https://nsjnews.com/wp-content/uploads/2025/01/image-95.png)
Matapos ang ilang buwang pagtatago sa batas, bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad ang isang “rapist” na rank number 1-most wanted person sa provincial level dahil sa 25 kaso ng panggagahasa at child abuse sa inilatag na operasyon kamakalawa ng hapon sa Brgy. Kaybagal South, Tagaytay City.
Hindi na nakapalag ang suspek na kinilala sa alyas “Ramon”, nang restuhin ng raiding team sa pinagtataguan nito sa nasabing lugar.
Sa ulat ng pulisya, alas-5:30 ng hapon nang ikasa ng puwersa ng Tagaytay Component City Police ang operation laban sa suspek bitbit ang mga warrant of arrests na inisyu ni Presiding Judge Raquel Ventura Aspiras-Sanchez, ng Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 3, Tagaytay City, para sa mga kasong paglabag sa Sec. 10(A) ng RA 7610 o Anti-Child Abuse Act of 1991, paglabag sa Sec. 10 (A) ng RA 7610, Rape by Sexual Assault in relation to RA 7610 at kaso pang Rape in relation to RA 7610.
Sa pitong kaso ng panggagahasa at child abuse, inirekomenda ng korte ang piyansang P1,400,000, habang P480,000 para sa 6-counts sa paglabag sa Sec. 10 (A) ng RA 7610, at P120,000 para sa Rape by Sexual Assault in relation to R.A. 7610.
Wala namang inirekomendang piyansa ang korte sa 12 counts of rape in relation to RA 7610 sa akusado na nakapiit na sa himpilan ng pulisya.
SOURCE: PILIPINO STAR NGAYON, OCT. 6, 2024, CRISTINA TIMBANG