Teacher nakunan ng PDEA-9 P1 million halaga ng shabu

Arestado ang isang babaeng guro matapos mabilhan ng P1 million na halaga ng shabu ng anti-narcotics agents sa isang entrapment operation sa Barangay Poblacion sa Ipil, Zamboanga Sibugay nitong nitong gabi ng Biyernes.

Sa ulat nitong Sabado ni Maharani Gadaoni-Tosoc, director ng Philippine Drug Enforcement-9, nasa kustodiya na nila ang suspect na si Gemma Lahaman Isnain, nalambat sa Purok Masigla sa Barangay Poblacion sa Ipil na siyang ang kabisera ng Zamboanga Sibugay.

Bagama’t kanilang kinumpirma na siya ay isang guro, hiniling ng mga opisyal ng PDEA-9 na huwag ng ihayag kung saan nagtuturo si Isnain, na taga Barangay Kong-Kong sa Laminusa sa Siasi, Sulu.

Agad siyang inaresto matapos magbenta ng 150 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P1 million, sa magkasanib ng mga agents ng PDEA-9 at mga operatiba ng Ipil Municipal Police Station at ng Zamboanga Sibugay Provincial Police Office sa isang entrapment operation sa Barangay Poblacion sa Ipil. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *