
Magkatuwang na isinusulong ng Bangsamoro labor ministry at ng mga tanggapan ng Department of Labor and Employment sa Region 11 at 12 ang mga programang pang-kaligtasan ng mga industrial workers sa autonomous region.
Sa pahayag nitong Biyernes ng mga officials ng Ministry of Labor and Employment-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, may ginawa ng magkatuwang na mga inisyal na serye ng inspection ang mga eksperto sa MoLE-BARMM at DoLE-11 sa pagtupad ng mga industrial companies sa autonomous region ng mga safety regulations ng pamahalaan na naglalayong mailayo sa mga disgrasya ang mga manggagawa sa mga planta at mga pabrikang kanilang pinagtatrabahuan.
Nagsagawa ng safety standards inspection, dalawang linggo pa lang ang nakakalipas, ang mga engineers ng MoLE-BARMM at ng DoLE-11 sa mga planta ng Cotabato Light and Power Company sa Cotabato City at sa cassava at cornstarch producer na Lamsan Incorporated sa Sultan Kudarat sa Maguindanao del Norte, ayon kay Bangsamoro Labor Minister Muslimin Sema.
Nagtulungan sa naturang inspection missions sina Engineer Noel Reyes ng DoLE-11 at ang mga engineers ng MoLE-BARMM na sina Edwin Alvarez, Mohamad Jehad Anayatin at Jamalia Lantod.
Layunin ng naturang safety standards inspection ang matiyak na mailayo sa mga aksidente ng mga manggagawa sa BARMM na nagtatrabaho sa mga industrial plants at mga factories, ayon kay Sema.
Ayon sa mga opisyal ng MoLE-BARMM, ng DoLE-11, ng DoLE-12 at ng DoLE-9, malakas ng kanilang ugnayan sa pagsulong ng naturang programa na kanilang palalawigin pa sa ibat-ibang mga bayan na sakop ng Bangsamoro region ngayon darating na taong 2025. (December 27, 2024)