
Isang Moro, si Abdulatip Masukat, ay natagpuan na wala ng buhay sa gilid ng kalye sa Sitio Madanding sa Barangay Angkayamat sa bayan ng Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur nitong Huwebes, November 21, 2024.
Ayon sa mga kamag-anak at mga kakilala, huling nagpaalam si Masukat na pupunta ng Barangay Digal sa Buluan sa Maguindanao del Sur bago ito natagpuang patay na, nakahandusay sa gilid ng kalye. (November 21, 2024, handout Facebook image)