Mag re-review na midwives, nurses, may ayuda galing kay Minister Sinolinding

Abot sa 30 na mga bagong graduates ng nursing at midwifery courses ang nagka-financial support para sa kanilang review classes mula sa tanggapan ng physician-ophthalmologist na Kadil Monera Sinolinding, Jr., isang kasapi ng Bangsamoro parliament at kasalukuyang regional health minister ng autonomous region.

Nagpulong muna nitong Huwebes, November 21, 2024, ang 30 na mga benepisyaryo ng naturang outreach program, ng tanggapan ni Doctor Sinolinding sa 80-seat parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at kanyang mga staff bago na-facilitate ang nabanggit na suporta para sa kanilang board exam review classes.

Ang pondong itinustos ng tanggapan ng Member of Parliament Sinolinding ay mula sa Transitional Development Impact Fund 2023 nito.

Si Sinolinding mas kilala bilang “doctor sa Bangsamoro parliament,” ay nanunungkulan din bilang minister ng Ministry of Health-BARMM na marami ding mga humanitarian activities na ang mga benepisyaryo ay mga mahihirap na mga residente ng limang probinsya at tatlong lungsod na sakop ng autonomous region. (Nov. 22, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *