
Naaresto ng mga pulis ang isang wanted sa mga hiwalay na kasong pagpatay ng kanyang kapatid, bayaw at ilan pa sa isang operasyon sa Barangay Awang sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong gabi ng Martes, September 17, 2024.
Sa ulat nitong Miyerkules ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Automous Region, nasa kustodiya na ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station si Reydan Lisdan Uga, na may kinakaharap na kasong murder sa Regional Trial Court Branch 14 sa Cotabato City.
Pirmado ni Judge Kasan Kusain Abdulrakman ng warrant of arrest na ginamit na batayan ng mga kasapi ng Datu Odin Sinsuat municipal police force, pinamumunuan ni Lt. Col. Samuel Roy Subsuban, sa pag-aresto sa kay Uga.
Mapayapang nagpa-aresto na si Uga ng ipaliwanag sa kanya ng mga operatiba ng Datu Odin MPS na siya ay idedetine batay sa kautusan ng korte kung saan may nakahain na kasong murder laban sa kanya. (Sept. 18, 2024)