Agad na namatay ang isang motorista, si Renzy Eboy Vilbar, ng nag-crash ang motorsiklong minamaneho nitong gabi ng Sabado, January 11, 2025, sa isang bahagi ng Cotabato-Davao Highway sa Barangay Balindog sa Kidapawan City sa probinsya ng Cotabato.
Ayon sa mga saksi sobra ang bilis ng patakbo ni Vilbar ng motor ng bumangga sa isa pang motorsiklo na nagsanhi ng kanyang pagkaka-tilapon ng ilang metro mula sa kanyang motorsiklong nabuwal sa gitna ng highway.
Ayon sa mga imbestigador ng Kidapawan City Police Office, agad na nalagutan ng hininga si Vilbar sanhi ng mga sugat at pasa sa katawan sanhi ng aksidente. (January 12, 2025, handout photo)