1 patay, 2 malubha sa salpukan ng 2 motorsiklo sa Maguindanao del Norte

Patay ang isang babaeng third year social work course student at sugatan ang dalawang lalaking motoristang nagbanggaan ang mga motorsiklo sa isang bahagi ng Cotabato Isulan Highway sa Barangay Taviran sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong hapon ng Sabado, January 11, 2025.

Sa inisyal na ulat ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, agad na pumanaw ang isa sa tatlong biktima ng naturang aksidente, ang college student na si Aisa Guiamil, sanhi ng mga sugat at pasa sa katawan na kanyang natamo ng magkabangaan ang sinasakyang motorsiklo sa isa pang motorsiklo dala ng isang Monshor Ketong Salik.

Sugatan sa naturang aksidente si Salik at si Faisal Samad Gubel, na siyang nagmamaneho ng motorsiklo kung saan nakaangkas ang nasawi na si Guiamil. (January 12, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *