
Nagtamo ng mga pasa at sugat sa katawan si Hersole C. Pasuquin, 60-anyos at ang kanyang 28-anyos na anak babae na si Herjene D. Pasuquin ng bumulusok ang kanilang sasakyan sa malalim na gilid ng highway sa Barangay Malubal sa bayan ng RT Lim sa Zamboanga Sibugay nitong hapon ng Biyernes.
Sa ulat ng RT Lim Municipal Police Station, nawalan diumano ng control sa sasakyan si Pasuquin dahil sa mechanical trouble kaya naganap ang aksidente.
Agad namang nadala ang 60-anyos na si Pasuquin at ang kanyang anak sa pagamutan ng mga emergency responders upang malapatan ng lunas. (January 5, 2025, handout photo)