Ilang mga byahero malubha sa Davao City accident

Ilang mga pasahero, kabilang ang mga bata, ng dalawang mga pampasaherong airconditioned van ang malubhang nasaktan sa banggaan ng naturang dalawang sasakyan sa isang bahagi ng highway sa Binugao sa Toril District sa Davao City nitong umaga ng Sabado, January 4, 2025.

Galing sa Digos City, Davao del Sur ang isang van habang galing naman sa Davao City ang kasalubong nitong van ng magkabangaan, ayon sa inisyal na ulat ng Davao City Police Office.

Inaantabayanan pa ang kumpletong ulat ng pulisya hinggil sa insidente. (January 4, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *